Saturday, July 7, 2012

Daily Inspiration: Kapatid

Magandang araw! For a change, Filipon post naman tayo. Sorry for those you can't understand this.

Here's our Daily Inspiration:

photo source
I know marami nakaka-relate dito. Hindi naman maiiwasan ito sa pamilya. But at the end of the day, a family is a family.

Eto, kwento kapatid naman. I'm the eldest in the family but I don't get to enjoy my parents full attention kasi nga sunod sunod kami. Almost yearly nanganganak si Mudra. Hehe. So dun sa bunso namin (pangatlo), they decided for a ligation na.

Okay, madalas kami mag-away away na tatlo. Pinakasutil ang kapatid naming lalaki, until now naman. Peace brother! Minsan sinasabi nila ako ang favorite pero feeling ko naman hindi kasi lahat naman kami napagbibigyan, Siguro lang ako pinakamasunurin at mabait, haha. Seriously speaking, that's true. Our late father was really proud of me kaya siguro sinasabi nilang ako ang favorite. I know naman they love us all. Naalala ko nga nung bata pa kami pag may pasalubong talagang hating magkakapatid kami.

Madalas man kami magkakaaway noon, pero wala naman kami iwanan. Naalala ko pa nung tumakas kami ng bahay at sumama sa mga kababata namin na kumuha ng tulya sa irigasyon. Naabutan kami ng napakalakas na ulan at may kidlat pa. Sumilong kami sa isang bahay. Syempre takot kami nun at alam namin malapit na dumating sila Mudra. Ayun nga natanaw na namin silang parating sakay ng tricycle. Since umuulan, andun pa din kaming tatlo. Alam kasi namin mas mapapalo kami pag nagbasa sa ulan. Nung tumila na ang ulan, lumakad na kami pauwi. Nagdadasal kami sana hindi kami mapalo, masakit pa naman lumatay un sintron ni Tatay.

Paguwe sa bahay, hindi naman kami pinalo. May pasalubong pa nga kaso may warning na wag na wag na kami pupunta dun. Napakasarap alalahanin ung mga araw ng kabataan natin di ba. Lalo na ung mga panahong kasama mga kapatid natin. Ilan ulit na kami nagkatampuhan magkakapatid pero sa huli kami-kami pa din nagdadamayan. Masakit talaga pag may tampuhan pero part un ng buhay pamilya. It only means that we love each other much.

Nakarelate ka ba?

Saturday na naman pala. Happy weekend!
Enjoyed this post? Share your thoughts below—I'd love to hear from you!

Let’s stay connected:


No comments:

Post a Comment

Please use the DISQUS box to comment.